Friday, January 4, 2013

Love Sa Pila Ng Trike :)

Ito ay isang nakakakilig na pangyayari na nangyari sa totoong buhay. Pero hindi sakin, sa isang kakilala ko na nabahagi sakin ang kwento na ito. 

Isang araw ng pauwi si Mhee galing sa school, nakasakay siya sa punuan na bus papunta ng Cavite. (Laging hassle pauwi man or papasok ng school niya. Syempre ang resulta ay nagiging haggard siya lagi.) So umuulan nung araw na yun, pagbaba ni Mhee ng bus na sinasakyan niya. Nagulat na lang siya na may biglang pumayong sa kanya. Si Evad ang lalaking nasa panaginip ni Mhee. Syempre ikaw ba naman payungan ng lalaking inaasam mo hindi ka ba kikiligin? Syempre kinikilig si Mhee habang naglalakad sila na magkashare sa payong papunta sa pila ng trike. Pero syempre hindi ito pinahalata ni Mhee, dahil dyahe yun kapag obvious na kinikilig siya. Dalagang Pinay ang peg. :) So nakarating na sila sa pila ng trike. Siyempre para sa babae na kagaya ni Mhee na kasama ang lalaki sa panaginip niya ayaw niya na matapos ang mga kilig moments na nangyayari nung mga oras na yun. Pero kagaya nga ng sabi ng marami lahat may katapusan e. So isinakay na siya ni Evad sa trike. Nagpaalam sa isa't isa at umalis na ang sinasakyan na trike ni Mhee. Isa yun sa pinaka masayang moment ni Mhee kay Evad kasi hindi lahat ng lalaki sa panaginip mo, susulpot at papayungan ka habang umuulan at ihahatid ka pa sa pila ng trike. :)



1 comment:

JemmyWaffles said...

OH MY GAHD! I've forgotten about his. Hahahaha! Potek,